May pangambang bumulusok muli ang COVID-19 cases dahil sa bagong pinaiiral na uniform travel protocols sa kalakhang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan.

Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Anna Marie de Guzman, Pangasinan Provincial Health Office (PHO) Chief, bagaman nauunawaan ng kanilang kagawaran ang pagsuporta ng Gobernador ng probinsiya sa nabanggit na kautusan upang mabalanse ang pagbangon muli ng ekonomiya ay nariyan pa rin umano ang kanilang pangamba.

Dahil diyan, hiling ng Pangasinan PHO ang pakikiisa ng lahat na patuloy pa ring isagawa ang mga nakasanayan ng minimum public health protocols at magpatala sa kani-kanilang barangay o mga lokal na pamahalaan kung uuwi ng probinsiya para sa kaligtasan ng bawat komunidad.

--Ads--

Kanila ring hinihikayat ang owners at administrators ng Provincial buses naman na magkaroon ng paglilinis o pag-disinfect ng mga bus sa bawat biyahe kung sakaling mang magkaroon na ng point-to-point na pagluwas mula sa lalawigan.

Voice of Dr. Anna Marie de Guzman