DAGUPAN, CITY— Dumating na kahapon ang truck na naglalaman sa 14, 400 na doses ng Sinovac COVID-19 vaccine para sa Region 1.

Ito ay upang mabigyang prayoridad ang mga government administered hospital gaya na lamang ng mga COVID-19 referal hospital at provincial hospital sa mga rehiyon sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health Region I, mauunang mabibigyan ng doses ng naturang COVID-19 vaccine ang mga health care workers mula sa naturang ospital gaya na lamang ng Region 1 Medical Center sa Pangasinan, Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa La Union at Mariano Marcos Memorial Hospital & Medical Center sa Ilocos Norte.

--Ads--

Sa ngayon sapat muna ang nabanggit na suplay ng bakuna para sa mga medical frontliner sa mga ospital na pinapamahalaan ng gobyerno, ngunit siniguro naman ni Bobis na sa pagdating ng iba pang batch ng mga bakuna ay mabibigayan na rin ang ilang mga indibidwal na nagtatrabaho sa mga pribadong ospital.

Tinig ni Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health Region I

Saad pa niya, habang paparating umano ang mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa ay tumataas din umano ang mga medical frontliners na nais na ring magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Ang alokasyon naman ng bakuna sa ating mga government funded hospital ay dalawang beses sa bilang ng mga empleyado sa isang ospital.

Base umano sa isinumiteng datos ng R1MC, nasa kabuuang 1970 ang kanilang mga empleyado kung kaya nakalaan sa kanila ang humigit kumulang 3000 na doses na bakuna para sa kanila at nasa 870 o kabuuang higit 1600 namanag mga health workers ang nasa Provincial Hospital sa Pangasinan.