Mananatili pa rin ang mga alintutuning pinaiiral sa lungsod ng Dagupan sa kabila ng pag-apruba ng IATF sa pagkakaroon ng unified travel protocols para sa lahat ng local government units.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mayor Marc Brian Lim, ito ay bagaman bumababa na umano ang naitatalang COVID-19 cases sa nasasakupan, kanila pa ring kinukunsidera ang kabuuang pagdami nito sa buong bansa.

Aniya, ang mga ipinatutupad na restrictions sa ngayon sa nabanggit na siyudad ang siyang pinaka relaxed standard na kayang mapaunlakan ng kanilang pamahalaan na siyang proprotekta rin sa mga kabababayang nasasakupan nito.

--Ads--

Tanging ang market holiday o pag-di-disinfect sa mga pampublikong pamilihan lamang ang binago mula sa apat na beses kada buwan ay ginawa na lamang dalawang beses kaya’t ito ay isasara tuwing una at ikatlong Huwebes ng bawat buwan.

Voice of Dagupan City Mayor Marc Brian Lim

Samantala, binigyang diin ng alkalde na hindi pa bubuksan sa lungsod ang mga sinehan at pasyalan gaya ng arcades.