Patay ang isang 35 anyos na laborer matapos makuryente at mahulog mula sa bubong ng ginagawang gymnasium sa Brgy Tangcarang lungsod ng Alaminos.

Ayon kay PLtCol. Leonard Paredes , OIC Chief of police sa lungsod ng Alaminos, kinilala ang biktima na si Rick Catrllano, 35 anyos, binata, laborer at residente ng Brgy Liwa-Liwa, bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Lumalabas sa imbestigasyon na, bandang ala 11:45 kaninang umaga, may bitbit na bakal ang biktima na gagamitin sa taas ng ginagawang gymnasium, pero sumabit ang dala dalang bakal sa live wire at nakuryente.

--Ads--

Matapos makuryente ay nahulog mula sa taas na 3-4 talampakan at bumagok ang ulo sa semento sa baba.

Nadala pa siya sa Western Pangasinan District Hospital pero ideneklarang dead on arrival ng attending physician.

Wala naman ibang nadamay na nakuryente.

PLtCol. Leonard Paredes, OIC Chief of police Alaminos City

Sa kasalukuyan ay sinuspindi muna ang construksyon habang iniimbestigahan ang insidente at titignan kung may pagkukulang ang construction firm para sa kaligtasan ng mga obrero.

Mensahe naman ng hepe sa mga construction firm na tiyakin na may kumpletong protective suit ang mga laborer at ligtas ang kanilang workplace upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.