Magtatagal ng tatlong buwan ang preventive suspension ni School Division Office (SDO-I) Superintendent Shiela Marie Primicias na ipinataw mismo sakaniya ng kanilang Education Regional Director.
Binigyang diin din ng Sangguniang Panglungsod ng Pangasinan na hindi sila ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng preventive suspension ni Primicias.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hon. Jeremy Agerico B. Rosario, 4th District Board Member, at kinatawan ng Committee on Education sa lalawigan, kinumpirma nito na sa kanilang pakikipag-pulong kay Education Regional Director (RD) Tolentino Aquino, ay mayroon na umano talagang on going ivestigation laban kay Primicias ang ating DepEd National.
Na siyang marahil na dahilan kung bakit nauwi na sa preventive suspension ang akusadong si Primicias laban sa mga alegasyon ng korupsyon na kinasasangkutan nito sa naturang kagawaran.
Habang hindi pa makumpirma sa ngayon kung ito ay naiakyat na rin sa Ombudsman.
Samantala, matatandaang mayroong inihaing rekomendasyon na mailipat na sa ibang lugar o probinsya si Primicias na sinuportahan naman ng Schools Division Office, Parents-Teachers Association (PTAs), at mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan ng first to third congressional districts ng Pangasinan at bahala na umanong magpasya ang Regional at National Education Offices hinggil dito.
Kaugnay nito si dating SDO-1 Assistant Dr. Ely Ubaldo ang siyang pansamantalang aakto sa posisyong maiiwan ni Primicias.