Humigit kumulang P500,000 ang halaga ng halos 1,000 mga manok ang tinangay sa isang poultry farm sa barangay Lapaz sa bayan ng Villasis.
Ayon sa nag-ulat na si Beverly Fernandez, 26-anyos na Human Resource Officer at residente ng Brgy. Catablan, Urdaneta City, noong hapon ng Pebrero 18, 2021 nakatanggap siya ng impormasyon mula sa kanilang trabahador na binuksan ang isa sa mga kulungan ng mga alagang tandang na manok.
Nang matanggap ang ulat ay agad nilang itinala ang natitirang manok at nalaman na siyam na raan at limampu’t apat (954) na mga tandang na manok ang nawawala, na nagkakahalaga ng higit pa o mas mababa sa nasambit na halaga ng pera.
Nauna rito, habang naglilinis ng kulungan ang kanilang mga trabahador, napansin na ang ilan sa mga balahibo ng manok ay nagkalat sa likurang bahagi patungo sa mataas na kongkretong bakod bilang posibleng dinaanan palabas ng mga nakatakas na salarin.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat sa naturang insidente ng pagnanakaw. // With reports of Bombo Everly Rico