DAGUPAN, CITY— Pinag-aaralan pa ng LGU Dagupan City sa pamamagitan ng Inter Agency Task Force for COVID-19 ang usapin sa pagtanggal o pananatili ng liqour ban sa siyudad.
Ayon kay Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, may posibilidad na tanggalin na ang liquor ban o manatili muna dahil sa nakitang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa siyudad.
Base sa mga datos ng local IATF, ang liqour ban ang isa sa nagpababa ng kaso ng COVID-19 sa ciudad.
Aniya, kanila muna itong pag aaralan at oobserbahan sa loob ng dalawang linggo.
Dagdag pa ng alkalde, ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 ay dahil sa mga ipinataw na Executive orders gaya na lamang ng curfew hours, at mas pinahigpit na mga pag obserba ng mga health and safety protocols sa siyudad.
Kontrolado na rin ng Local na Pamahalaan ang pagkalat ng COVID-19 sa syudad ngunit huwag lang umanong pakampante o mag relax ang mga Dagupenyo at sumunod na ipinapairal na mga alituntunin para hindi dapuan ng naturang sakit.
Sa ngayon, ay meron na lamang 65 na mga aktibong kaso ng COVID-19. (with reports from: Bombo Framy Sabado)