Tiniyak ng DOH Center for Health Development Region 1 na mayroon ng nakahandang mga cold storage facilities sa rehiyon habang inaantay pa ang pagdating ng mga covid 19 vaccines sa oras na makarating na ang mga ito.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng DOH-CHD Region 1, sa kasalukuyan ay mayroon ng kabuuang 88 na mga cold storage na matatagpuan sa mga heath facility sa buong region one na siyang paglalagakan ng mga bakuna.
Patuloy umano nilang minomonitor ang mga ito at nagsasagawa rin ng inventory sa mga kagamitan na siyang gagamitin sa pag iimbak ng covid vaccines.
Positibo naman umano ang nasabing tanggapan na mas madadagdagan pa ang mga cold storage facility upang mas madami ring mga bakuna ang mailagay lalo na at mahalaga ang pagkakaroon ng mga cold storage upang hindi mawala ang potency o bisa ng bakuna.
Patuloy din silang nakikipag ugnayan sa lahat ng mga Local Govt Units sa Region one upang mas matulungan ang mga ito na magkaroon ng maayos at malinaw na execution plan sa oras naman na dumating narin ang kanilang mga biniling bakuna.