BongBong Marcos during a media forum in Quezon City on Friday, August 24, 2018. Photo by DARREN LANGIT

DAGUPAN, CITY— Nanindigan ang kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos hindi pa natatapos ang kanilang apela kaugnay sa kanilang inihain na poll protest laban kay Vice President Leni Robredo noong 2016 National Election hanggat wala pa umanong dumarating sa kanilang sulat mula sa korte suprema.

Ito ay kaunay sa pagbasura ng Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) sa protesta ni Marcos sa resulta ng nakaraang eleksyon para sa pagka-bise presidente ng bansa.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abugado at tagapagsalita ni dating senador Bongbong Marcos, hangga’t walang malinaw na legal conclusion ang korte suprema patungkol sa poll protest laban sa kasalukuyang Vice President ay hindi muna sila magbibigay ng anumang definitive statement ukol dito.

--Ads--
Tinig ni Atty. Vic Rodriguez, abugado at tagapagsalita ni dating senador Bongbong Marcos

Aniya, kanila munang hihintayin ang pormal na anunsyo ng korte sa kanilang apela, lalo pa’t kahapon lamang ito inianunsyo.

Saad ni Rodriguez, ang naging pahayag SC Spokesperson Brian Keith Hosaka na unanimous ang naging desisyon ng mga mahistrado sa protesta ni Marcos laban sa bise presidente, ay hindi ganoong malinaw sapagkat hindi umano nabanggit kung ang nasuspende ba sa kanilang protesta ay ang manual recount lamang sa 3 probinsya sa Mindanao o ang mismong annulment ng nakaraang eleksyon.

Sa ngayon ay hindi pa umano malinaw kung ang naturang desisyon.
Ngunit para sa naturang abugado, ang tangging malinaw umano ay ang pagkapanalo ng kanyang kliyente sa naturang eleksyon, at ito ay alam din ng karamihan umano sa mga Pilipino.

Matatandaang kahapon, nang inanunsyo ng Supreme Court na unanimous ang naging desisyon ng mga 15 na mahistrado na present sa en banc session at pito ang nag-fully councurred o sumang-ayon sa dismissal at walo naman sa resulta.

Nag-ugat ang protesta ni Marcos sa umano’y naging dayaan sa halalan noong 2016.