DAGUPAN CITY–Agad binawian ng buhay matapos pagbabarilin ang OIC Poso Chief sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Nagtamo ng tama sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Reynaldo Bugayong y Samson, 54 anyos.

Ayon sa impormasyon mula sa kapulisan, naganap ang insedente sa Brgy. Lasip sa nabanggit na bayan.

--Ads--

Papasok na umano ang biktima sa kaniyang trabaho sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin ito ng apat na di pa nakikilalang suspek na sakay din ng motorsiklo.

Nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril ang biktima sa kaniyang katawan na sanhi ng agaran nitong kamatayan .

Sa ngayon ay nagsasagawa ng dragnet operation ang kapulisan upang mahuli ang mga suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang pamamaril.