DAGUPAN, CITY— Pinapayagan na ngayon ng pamahalaang lokal ng Binmaley ang mga retailers sa kanilang bayan na magbebentang muli ng mga alak maliban na lamang sa mga bars at restaurants.

Ito ay kasunod ng pagtanggal ng liquor ban ng nabanggit na bayan sa kanilang mga barangay na wala nang naitatalanga aktibong kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na mga linggo.

Ayon sa naturang LGU, Ang pag-inom o pagkonsumo ng alak kanilang mga mamamayan ay pinahihintulutan lamang sa loob ng bahay ngunit ipinagbabawal sa bakuran at mga pampublikong lugar.

--Ads--

Ngunit saad ng naturang bayan, ang mga barangay na may tatlo o higit pang aktibong kaso ng COVID-19 ay patuloy na magpapatupad ng liquor ban.