DAGUPAN, CITY— Isinilbi na ang anim na warrant of arrest laban sa isa sa tatlong nahuling akusado na si Armando Frias na kabilang sa pananambang kay dating Pangasinan Governor at Congressman Amado Espino Jr.

Kabilang din si Frias sa top 20 most wanted person regional level na residente ng Brgy Pisuac sa bayan ng Urbiztondo na kasalukuyang nakadetine sa Basista PS detention cell.

Anim na warrant of arrest ang isinilbi kahapon February 15, 2021 ng presiding judge ng RTC Branch 56 ng San Carlos City laban kay Frias para sa 2 kaso ng Murder, Frustrated Murder at 3 counts ng Attempted Murder sa pangunguna ng tauhan ng Basista PS, Regional Investigation Division ng PRO1, Regional Intelligence Unit1, PIT-Pangasinan, Provincial Intelligence Unit-Pangasinan, SWAT PPO at 1st Police Mobile Force Company.

--Ads--

Matatandaan, noong February 7, 2021 naaresto sa isang bangko sa San Juan, Batangas sina Frias kasama ang dalawa pang suspek sa Espino Ambush na sina Albert Palisoc at Benjie Resultan na nauna ng inaming siya ang spotter at look out sa pag-ambush kay Espino at ikinantang si dating Board member Raul Sison ang mastermind habang itinuro naman nitong leader ng pagpaplano at pagsasagawa ng ambush si Frias. (with reports from: Bombo Everly Rico)