DAGUPAN CITY  —      Hindi parin natatapos ang pagharap ni dating US Pres. Donald Trump sa mga kaso.

        Ito ang ibinahagi ni Bombo International Correspondent Atty. Arnedo Valera, US Immigration Attorney sa Washington DC, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kasunod ng pagkaka-acquit ni Trump sa ikalawang impeachment trial sa Senado dahil sa kakulangan ng sapat na boto.

        Ayon kay Valera, bagamat tapos na sa Senado nila ang paglilitis at maaari na silang magpatuloy sa kanilang legislative works, hindi parin ligtas sa civil at criminal case si Trump.

--Ads--

        Paliwanag pa ni Atty. Valera, itutuloy kasi ito ng Attorney General o kung sino mang indibiduwal na nais na magsampa ng kaso laban kay Trump.

        Bukod kasi aniya sa madugong riot sa US Capitol hill noong Enero 6, nariyan din ang election fraud na kinakaharap nito sa estado ng Georgia at mga samu’t-saring tax ivasion case sa mga negosyo nito.

Tinig ni Bombo International Correspondent Atty. Arnedo Valera