DAGUPAN, CITY— Binigyang linaw ng tanggapan ng Land Transportation Office o LTO Region 1 na nakasaad sa guidelines ng pamahalaan na kinakailangang magsuot ng face mask ang mga gumagamit ng pampribadong sasakyan at hindi sinabing mandatory din ang pagsusuot ng face shield.

Ayon kay LTO Regional Director Atty. Teofilo Jojo Guadiz III, nirerekomenda ang paggamit ng face shield kapag sa mga pam publikong sasakyan lamang.

Sa katunayan nagkaroon aniya sila ng debate mula na din sa ilang concerns ng mga commuters at gumagamit ng mga private cars lalo pa’t ang kadalasan din lang na sakay ng mga ito ay pawang magkakamag anak at nainirahan sa iisang bubong na kung tutuusin ay hindi naman gumagamit ng face mask at shield sa bahay ngunit paglabas ay kinakailangan ng magsuot nito.

--Ads--

Aminado si Guadiz na kung pag aaralang maigi, mayroon din talagang tinatawag na ‘gray areas’ pagdating sa pagapatupad ng mga batas.

Ngunit paglilinaw nito na ang tanggpan ng LTO ay isa lamang implementing agency.

Mayroon aniyang nagbibigay sa kanila ng polisiya mula sa taas partikular na ang Department of Transportation o DOTR at sila’y naatasan lamang na tagapag patupad.

Maging sila mismo ay mayroong mga katanungan sa pagpapatupad ng mga batas na ito ngunit hiling nito sa publiko na hanggat maaari, huwag naman sana sila kaagad husgahan. (with reports from: Bombo Lyme Perez)