Binigyang diin ng ilang kongresista ang kahalagan ng isinusulong nilang Bayanihan 3 na nagkakahalaga ng nasa P450-B stimulus package.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pangasinan 4th District Cong. Christopher de Venecia, nakikita umano nilang hindi sapat ang ipinatupad ng Bayanihan 1 & 2 sa laki ng nagiging epekto ng COVID-19 pandemic sa ating ekonomiya.
Aniya, ito rin ay lalagda ng co-authorship sa Bayanihan 3 act sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco at Marikina Rep. Stella Quimbo.
Ito ay upang mas marami umanong stimulus ang pumasok sa bansa sa ikalawang quarter ng taon.
Kaugnay nito, naghain din ng resolusyon ang sa 30 kongresista ng inquiry o ang nais na pagsisiyasat hinggil naman sa implementasyon ng Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan 2 dahil tinatayang wala pa umano sa kalahati ng P165-B ang naiimplenta rito.