DAGUPAN, CITY— Muling nagpositibo sa COVID-19 ang 66 anyos na lolo mula sa bayan ng Manaoag matapos lumabas ang resulta ng kaniyang real time PCR test na isinagawa sa isang ospital sa Manila.

Napag-alaman na mayroong comorbidity ang naturang covid patient mula sa barangay Poblacion na dati ng nagpositibo sa COVID-19.
Napaabot sa lokal na pamahalaam ang resulta ng kaniyang swab test kahapon February 3, 2021.

Bunsod nito, naglunsad ng agaran at pinaigting na imbestigasyon sa naitalang panibagong kaso ng covid sa bayan at contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.

--Ads--

Patuloy namang pinapayuhan ng lokala na pamahalaan ang lahat na manatili sa mga kabahayan at sumunod sa home quarantine protocols na umiiral sa naturang bayan at sa buong bansa laban sa sakit na COVID-19.

Sa kasalukuyan, mayroong 4 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan, 87 ang nakarekober habang siyam ang nasawi.