Target ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na mabakunahan ang nasa 70% ng eligible population nito upang makapag epekto ng herd immunity.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Anna Marie de Guzman, Pangasinan Provincial Health Officer, kanila ng plinaplantsa ang magaganap na micro planning kung saan kabilang ang pag-alam ng dapat na pagdarausan ng pagpapabakuna o ng vaccination sites.
Aniya, kailangan umanong idaos ito sa mga ospital, health centers o ‘di kaya ay malapit sa mga clinic.
Sa isinagawa nilang pagpupulong ay inilatag ang ibat-ibang orientations at surveys.
Ito ay upang matukoy nila ang mga gagawing health promotion na ipapakalat sa ating mga kababayan, kasabay na rin nang pag-alam ng mga saloobin ng mga ito patungkol sa kanilang COVID-19 vaccination program.
Samantala, magkakaroon naman ng online registration sa pagtukoy ng mga mapapasama sa priority list na kanila namang sasalahin din.
Kaugnay nito, binigyang linaw ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan kung sino sa mga kababayan natin ang kasama sa mga prayoridad na matuturukan ng COVID-19 vaccines.
Kasama sa eligible population o mga prayoridad na dapat mabakunahan ay ang frontline workers mula man sa pribado o pampublikong mga pagamutan o health facilities.
Nariyan din ang public health workers sa mga Rural Health Unit (RHU), City Health Offices (CHO), Provincial DOH Office, Regional Office, field workers at contact tracers.
Kabilang din ang barangay health workers at kasama riyan ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Para naman sa national agencies, kasama sa prayoridad na mabakunahan ang kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); mga doktor, dentista at nurses ng Department of Education (DepEd); at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama na riyan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Correction (BuCor).
Masusundan ito ng mga nasa Group A na kinabibilangan ng indigent senior citizens, remaining o iba pang mga natitirang senior citizen, remaining indigent population, at mga uniformed personnel gaya ng PNP, AFP, PCG at BFP.
Habang sunod na katergoryang nasa priority sector ang mga guro at iba pang mga nasa essential offices o agencies.
Samantala, hindi naman mapapasamanng mababakunahan ang edad 17-anyos pababa at mga senior citizen edad 86-anyos pataas.
Gayundin ang mga buntis, may mga severe allergies at iyong mayroong mga immuno compromise gaya ng sakit na cancer at HIV/AIDS.