Nagpositibo sa covid19 ang dalawang babaing Overseas Filipino Worker (OFW) na umuwi sa bayan ng Pozorrubio sa lalawigan ng Pangasinan.
Batay sa covid19 monitoring report ng Rural Health Unit ng nasabing bayan ang bagong mga natamaan ng sakit ay sina covid patient no. 29 na isang 37 anyos na OFW na residente ng barangay Inoman na nakakaranas ng manaka-nakang pag-ubo habang si Covid patient no. 30 naman ay isang 44 anyos na OFW na residente ng barangay Amagbagan na kasalukuyang asymptomatic.
Nauna rito, sumailalim ang dalawang OFW sa swab test noong January 28, 2021 bilang bahagi ng requirement sa kanilang pagtratrabaho abroad subalit lumabas ang resulta ng kanilang RT PCR test na positibo sa covid19.
Nagpapagaling ang mga nabanggit na pasyente sa isolation facility ng Rural Health Unit 2 sa barangay Malokiat.
Sa isinagawang contact tracing sa mga direktang nakasalamuha ni covid patient no. 29, natukoy ang 7 sa close contact nito mula sa barangay inoman habang 15 naman ang close contact ni covid patient no 30 mula sa barangay amagbagan.
Sa ngayon lahat ng mga natukoy ma close contacts ay walang ipinapakitang sintomas ng covid19, striktong sumasailalim sa quarantine protocols at nakatakdang isailalaim ang mga ito sa swab test.
Sa kabuuan, mayroong 5 aktibong kaso ang bayan ng Pozorrubio ,24 ang idineklarang nakarekober sa sakit at nakapagtala ng kauna-unahang nasawi sa covid19 virus, ang ika25 covid patient ng bayan na isang 73 anyos na babaing mayroong history ng hypertension na naadmit ay binawian ng buhay sa ospital sa Tayug.