DAGUPAN, CITY— Patay ang isang 12 anyos na lalake matapos malunod sa may bahagi ng Mariposa creek sa Malued River dito sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay P/Lt. Allan Reoliquio, Duty Officer ng Dagupan City Police Station, base sa kanilang imbestigasyon ay naligo umano ang biktima kasama ang kanyang dalawang kapatid at isang kaibigan sa nabanggit na bahagi ng ilog.
Ngunit nang mga sandaling iyon umano ay napunta sa malalim na parte ng ilog ang biktima at doon nalunod.
Sinubukan pa umano itong isalba ng kanyang mga kasama sa pamamagitan ng pag-abot ng kahoy upang ito’y makakapit ngunit tinangay na umano ito ng malakas na agos ng tubig.
Posible umanong nakapuslit ang biktima at mga kasama nito mula sa kanilang mga magulang upang maligo sa naturang ilog. (with reports from: Bombo Everly Rico)