DAGUPAN CITY — Sinuspinde ng bansang Australia ang green safe zone travel arrangement bubble nito sa New Zealand sa loob ng 72 oras.
Paliwanag ni Bombo International Correspondent Denmark Suede, isang nurse mula sa Sydney, Australia, ito ay matapos na madiskubre ang panibagong variant ng COVID-19 na 501Y.V2 na sinasabing mas nakamamatay sa isang bagong pasyente doon.
Aniya, ito ay natukoy mula sa isang pasahero mula sa South Africa na lumapag sa Auckland, New Zealand na magpositibo sa COVID-19 matapos ang 14 days hotel quarrantine nito.
Matatandaan aniya na ang bansang New Zealand ay sumikat sa buong mundo dahil sa pagtugon nito upang hindi kumalat ang naturang nakamamatay na virus sa pamamgitan ng tinatawag na local transmission na siyang naging dahilan ng pagkakabuo ng green safe zone travel arrangement bubble sa pagitan nila ng Australia.
Samantala, inaasahang sa susunod na buwan na ng Pebrero sisimula ang mas vaccination doon laban sa COVId-19 matapos na maaprubahan na ang pagbili ng bakuna mula sa kumpanyang Pfizer habang inaayos narin ang pagbili nila sa kumpanyang AstraZeneca.