DAGUPAN, CITY— Nasa pinal na desisyon na umano ng National IATF ang maaring quarantine classification kung hihigpitan ang quarantine status ng syudad ng Dagupan.
Ito ay matapos na makapagtala ng matataas na kaso ng tinamaan ng Covid19 sa syudad noong nakaraang linggo.
Ito ang naging tugon ni Mayor Marc Brian Lim sa mga usap usapan na maghihigpit ang LGU dahil sa mataas na aktibong kaso ng coronavirus sa siyudad.
Ayon kay Mayor Lim, may mga ginagawa namang hakbang ang local na pamahalaan para bumaba ang bilang ng kaso ng naturang sakit.
Isa na nga dito ang pagpapatupad muli ng liqour ban, pagbabawal mag operate ng sabongan, mas pinahaba ang curfew hours, police visibility ng mga pulis sa mga brgy na kakakitaan ng paglabag sa mga health at safety protocol gayundin sa mga brgy officials.
Dagdag pa ni Mayor Lim, manageable na ang kaso sa kasalukuyan sa syudad sa Covid19 dahil sa bumababa na ang naitatala nitong nakalipas na araw.
Aniya, sa usapin ng pagbabalik sa ECQ ang syudad ng Dagupan, ay may posibilidad kung kakakitaan ng mataas na kaso ng dinadapuan ng Covid19 ngunit ito pa rin ay overall decision ng Inter Agency Task Force o IATF. (with reports from: Bombo Framy Sabado)