Patay ang 43 anyos na biker matapos mabangga ng isang truck na nakarehistro sa munisipyo ng Sual sa Interior Road ng Brgy. Caoayan, sa bayan ng Sual, Pangasinan.
Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa Sual PNP ang biktima na kinilala na si Ricky Garay, residente ng Cocaoc St, Poblacion, sa bayan ng Bugallon ay papunta sa timog na direksyon sa naturang lugar nang lumipat umano ito sa kabilang linya ng daan at aksidente itong nabangga ng paparating na truck na minamaneho ni Leopoldo Paz Jr , residente ng naturang bayan mula sa salungat na direksyon.
Bilang resulta nagtamo ng injury sa ulo ang naturang biker at itinakbo sa Sual Primary Care-Facility ngunit ideneklarang dead on arrival ng attending physician.
Ang mga sasakyan namang sangkot sa insidente na nagtamo ng mga damages ay nasa kostodiya na ng Sual PS kasama ang driver para sa maayos na




