Umaasa pa rin ang mga mamamayang Amerikano na wala ng mangyayaring kaguluhan sa mismong araw ng inauguration ni US president elect Joe Biden at bvoce president elect Kamala Haris sa kabila ng pangamba na magkakaroon ng armed protest ng mga militiamen hindi lang sa Wasington DC at maging sa iba pang estado ng Amerika.
Ayon kay Bombo International correspondent Kelly Kellogs Dayag mula sa California USA, dahil sa riot na nangyari noong January 6 ay lalong pinaigitng ang seguridad sa capitol hills.
Samantala, limitado lang ang makadalo dahil sa pandemya. Kung dati aniya ay punong puno o hIndi mahulugan ng karayom ang grandstand, ngayon naman ay nasa 250 lang na katao ang inaasahan sa granstand.
Inaasahan din umano na hindi darating sa inauguration si president Donald Trump dahil 12:01 ng hapon ngayong araw ay aalis na sa kanyang opisina sa White House si Trump at uuwi sa kanyang bahay sa Florida.



