Selos ang nakikitang motibo ng kapulisan sa pananaksak ng isang mister sa kaniyang misis sa Zone 4 ng Brgy Nancamaliran West lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay Urdaneta COP PLTCOL Vicente Castor Jr., bago ang insidente ay nagkaroon ng pag aaway ang suspek at ang biktima na mayroong kaugnayansa pagseselos ni Rodolfo Jimenez sa kantrabaho ng kaniyang misis.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo at sagutan ay bigla umanong kumuha ng kutsilyo ang suspek at ilang beses na inundayan ng saksak ang biktima.
Resulta nito ay nagtamo ang biktima ng hindi bababa sa labintatlong magkakahiwalay na saksak sa kaniyang likod.
Nagawa namang maisugod ng kaniyang mga kaanak ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan upang agad na malapatan ng lunas mula sa mga tinamo nitong mga saksak sa katawan.Sa pinaka huling impormasyon mula sa PNP ay nasa stable na kondisyon na ang biktima at patuloy na nagpapagaling.
Habang ang suspek naman na si Jimenez ay nagawang makatakas at pinaghahanap na rin ng mga otoridad.
Nasa kustodiya naman ng Urdaneta City PNP ang nakuhang ebidensiya na ginamit ng suspek sa pananaksak sa kaniyang sariling asawa.
Samantala, sa inisyal naman na imbestigasyon ng pulisya bago pa mangyari ang insidente ay nagkakaroon na ng madalas na pag aaway ang biktima at ang suspek dahil parin sa paulit ulit na pagseselos nito.




