Isinailalim sa 2 linggong granular lockdown ang mga residential compound sa zone 3 ng barangay Baro, Asingan, Pangasinan matapos makapagtala ng 7 karagdagang kaso ng covid19 alinsunod sa bisa ng EO No. 1, series of 2021.
Ang 7 bagong nagpositibo sa covid19 ay pawang mga direct contact ni covid patient no. 33.
Sa ilalim ng naturang EO, lahat ng mga residente sa nabanggit na residential compound ay pansamantalang pinababawalang umalis sa lugar at pinapayuhang sumailalim sa mandatory na 14 na araw na home quarantine at kinakailangang heamth evaluation at pagsusuri.
Dapat ding makipag-ugnayan ang mga apektadong residente sa BHERT ng barangay hinggil sa pagbili ng mga pangunahing at personal na pangangailangan upang maibigay ang kanilang mga kailangan habang sumasailalim sa home quarantine.
Inatasan na rin ang contact tracing team at disinfection team na magsagawa ng kaukulang health surveillance at decontamination para macontain ang pagkalat ng virus at mapahupa ang epekto ng granular lockdown sa mga apejtafong lugar.
Naatasan din ang Asingan MPS sa pangunguna ni P/Maj. Resty Ventenilla at buong local covid19 task force na striktong ipatupad ang mga umiiral na local at pambansang batas at direktiba.
Magtatagal hanggang alas-8 ng umaga ng January 25 ang umiiral na granular lockdown na nagsimulang iimplementa mula kahapon, January 11, 2021.