Pinabulanaan ni Provincial Legal Officer Atty. Geraldine Baniqued na may intervention o nakikialam ang Office of the Governor sa mga affairs ng Liga ng mga Barangay Chapter.

Tugon ito ni Baniqued sa aligasyon ni LIGA president Edgardo Fontelera na tila nakikialam umano ang Office of the governor sa samahan ng liga.

Katunayan ay sumulat pa si Fontelerea kay DILG undersecretary sec. Martin Dino

--Ads--

Paliwanag ni Banoqued, may natanggap siyang sulat noong October 27, 2020 mula kay ABC pres. Mimi sison ng bayan ng Aguilar na nagtatanong sa kanyang tanggapan kung ano ang tamang pammaraan para mapunan ang vacancy sa liga dahil sa pagkamatay ni dating Liga ng mga barangay president Jose Peralta.

Bilang independent ay minabuti nilang inindorso ang sulat kay national liga president Eden Pineda para sila ang sumagot dahil nagkakaroon na umano ng kalituhan ang mga punong barangay kung sino ang papalit na liga president.

Tumugon naman umano ang tanggapan ni Pineda at aniya, alinsunod sa batas ay dapat magkaroon ng special election.

Pero bago ang election ay dapat magkaroon ng special meeting para mapag usapan ang eleksyon.

Inayunan naman ng 27 municipal liga chapter president na magkaroon ng special meeting na isinagawa noong December 1, 2020.

Humingi lang daw sila ng assistance mula sa provincial government na magamit ang training center dahil kailangan na may social distancing.

Dahil dito, iginiit ni Baniqued na ang tanging partisipasyon ng Office of the governor ay tumulong para mabigyan sila ng malaking venue at nang maganda ang kanilang attendance.

Provincial Legal Afficer atty. Geraldine Baniqued