Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pagkuha ng impormasyon ng Commission on Human Rights Region III sa pamilya ng mga biktimang binaril at napatay ng pulis sa Tarlac na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca para sakanilang nasimulan nang imbestigasyon upang siguraduhing mapapanagutan nang suspek ang kaniyang kasalanan.

Ayon kay Atty. Leorae Valmonte Officer in Charge, CHR Region III nakakakilabot at nagulantang ito sa karumal dumal na pangyayari.

Ito rin ay nadidismaya sa insidente dahil ang mga pulis ang inaasahan na mangangalaga sa kaligtasan ng mga civilian ngunit sa pangyayari sa nakuhang video sa Paniqui, Tarlac ay tila walang pagpapahalaga sa buhay ang suspek na isang police officer.

--Ads--

Pangako naman ng abogado na kanilang imomonitor mabuti ang kaso upang siguraduhin na magkakaroon ng nararapat na accountability ang suspek.

Inaasahan naman nito na gagawin ang lahat ng PNP upang mapagtibay ang hustisya at magkaroon ng cleansing sa ranks pagdating sa mga ganitong klaseng indibidwal na nakapasok bilang miyembro ng pulisya.

Bilang hakbangin din ng CHR upang hindi na maulit pa ang mga ganitong insidente ay nagissue na sila ng press statement patungkol sa proper conduct ng PNP.

Atty. Leorae Valmonte Officer in Charge, CHR Region III

Dagdag pa dito ay tuloy tuloy ang kanilang refresher courses pagdating sa human rights para sa kapulisan at taon taon may pinapadala para magtraining sa human rights based approach para na rin sa mga papasok palang na pulis.