Mas tututukan pa ng Deped Dagupan City Division ang aspeto ng pagdetermina kung natututo ng maayos ang mga mag-aaral sa loob ng kanilang mga bahay sa new normal mode of learning para sa mas maayos na kalidad ng edukasyon sa pagbabalik eskwela ng mga ito sa Enero.

Ayon kay Aguedo Fernandez, Schools Division Superintendent ng DepEd Dagupan sa ngayon ay gumagawa na sila ng mga paraan upang makita kung natututo ba ang mga estudyante o nahihirapan na sa modular learning.

Saad pa nito na pag bumaba na ang kaso ng covid19 sa lungsod ay maaari na silang pumunta sa bawat barangay o magbahay bahay para makita nila ang sitwasyon ng pagaaral ng mga estudyante sa kanilang kabahayan.

--Ads--

Sa pamamagitan nito ay maassess nang mga guro at supervisers kung natututo ba ang mga learners at nadedevelop sa kanilang sarili ang mga desired learning competencies ng DEPED.

Dagdag pa dito sa pagbigay ng modules ay may kasamang weekly home learning plan na gagawin na paraan upang makita kung nasa oras o delayed ang paggawa ng mga bata sakanilang modules.

Dito rin ma-eevaluate kung sino ang mga batang nahihirapan at kung saang area mahina ang mga learners.

Sa mga paraang ito ay makakagawa ang mga guro ng interventions upang maintindihan ng mga bata ang content ng modules.

Samantala pagdating naman sa mga modules ay aminado ang himpilan na may mga errors na nakita tulad ng typographical errors ngunit minimal lamang ito at ang mga locally prepared nilang modules ay maayos na hinahanda ng mga guro at inaasahan na sa susunod na quarter ay mababawasan ang mga errors dito.

Aguedo Fernandez, Schools Division Superintendent ng DepEd Dagupan