Patuloy ang pagtutok ng Municipal Health Office ng bayan ng Calasiao, Pangasinan sa dengue matapos muling makapagtala ng anim na kaso nito.

Ayon kay Dr. Jesart De Vera, Municipal Health Office Head ng bayan ng Calasiao parte na rin kasi ng geographical characteristic ng bayan ng naturang bayan na madalas itong bahain kayat taon taon ay madaming mga kaso ng dengue.

Ngunit ngayong taon naman umano ay hindi grabe ang pagbaha sa lugar na maaaring dahilan ng pagbaba ng kaso ng dengue kung saan mula Enero hanggang Disyembre 8 ngayong taon ay mayroong 275 reported dengue cases ang naturang lugar na mas mababa kumpara nuong nakaraang taon na nakapagtala ng 414 dengue cases.

--Ads--

Bagamat mas mababa ang kaso ng dengue ngayong taon ay tinututukan parin ang ilang barangay sa bayan katulad ng barangay Dinalaoan na may pinakamadaming kaso ng dengue na umabot sa 40 na kaso nito at barangay Talibaew na low lying area na madalas bahain kapag maulan at ang lugar na may sampung taong gulang na namatay dahil sa dengue.

Ang mga pinakahuling kaso naman ng dengue sa lugar ay mula sa barangay Buenlag, Ambonao, Malabago at Talibaew.

Kaugnay nito ay patuloy ang pagsasagawa ng mga hakbangin ng MHO upang maiwasan ang dengue sa komunidad tulad ng fogging at pag hohouse to house upang magbigay ng impormasyon ukol sa dengue na may kahirapan sa ngayon dahil sa pendemya ngunit kailangang gawin para mapaalalahanan ang mga tao tungkol sa kalinisan.

Dr. Jesart De Vera, Municipal Health Office Head