Nababahala ang Association of Education Researchers and Trainers o ASSERT sa pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng face-to-face classes dry run o in-person classes sa mga lugar na itinuturing na low-riks ng COVID-19 transmission sa Enero sa susunod na taon.
Ayon kay Randy Alfon, education and research chairperson ng ASSERT National, hindi napapanahon ang face to face classes.
Dapat ang iniisip anya ng pamahalaan ay ang seguridad ng mga mag aaral.
Binigyang diin nito na sila ay nababahala na isasabak ang mga bata sa isang situwasyon na walang kasiguraduhan.
Kahit sabihin pa aniya na ipapatupad lamang ang dry run sa mga lugar na itinuturing na low-riks ng COVID-19 transmission sa buong buwan.