Mariing na tinutulan ng grupong Workers for Peoples Liberation ang usaping may kaugnayan sa PUV Phaseout.

Ipinunto ni Primo Amparo, Chairperson ng nabanggit na grupo ang ilang rason kung bakit hindi sang-ayon ang kanilang sektor sa usaping ito.

Aniya, tila isang sugat na binudburan ng asin ang kalagayan ngayon ng karamihan sa mga jeepney drivers and operators dahil sa patuloy na pang gigipit sa kanila ng gobyerno.

--Ads--

Giit ni Amparo, sa kabila ng pandemyang umiiral sa ating bansa sa ngayon, hindi naman maikakaila na isa ang sektor ng mga drivers ang lubusang naapektuhan at hanggang sa ngayon, marami pa din ang hindi nabibigyan ng ayuda.

Mapag malabis na aniya kung tutuusin ang ginagawang pang gigipit sa mga drivers.

Dagdag pa nito, ang pagsasagawa ng phaseout ay mas lalong makakapag likha ng krisis sa transportasyon.

Kung maoobserbahan umano sa ngayon, hindi pa man buo ang operasyon ng ating ekonomiya ay marami na ang natatanggap na reklamo kaugnay sa transportasyon lalo pa kapag phinase-out ang mga jeepney. //Bombo Lyme Perez