Nakahandang magdagdag ng mga schedule ng misa para sa simbang gabi ang St. John the Evangelist Cathedral sakaling dumagsa ang mga mananampalataya sa unang araw nito.

Ayon kay Father Manuel Bravo ang Parish Priest ng St. John the Evangelist Cathedral sa darating na simbang gabi ay sisiguraduhin nilang masusunod ang mga
health protocols laban sa covid19 tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield at social distancing.

Aniya, hindi talaga kayang maaccomodate ang lahat ng mga mananampalataya katulad noong mga nakaraang taon dahil sa pandemya.

--Ads--

Dahil dito ay nagdagdag na lamang ang simbahan ng mga karagdagang mass schedules para sa simbang gabi mula sa december 15 hanggang december 23 sa oras na 6pm at 7:30 pm.

Voice of Father Manuel Bravo

Dagdag pa dito upang hindi magsiksikan ang mga tao sa cathedral ay mayroon ding misa sa mga barangay chapels tulad ng sa barangay lucao, malued, lasip at arellano.

Sa madaling araw naman ay tuloy parin ang misa ng 4am sa december 16 to december 24 ngunit kung sobrang dami ang dumalong tao dito ay pinaplanong madagdagan pa ang schedule.

Lahat ng mga misa sa simbang gabi ay ililive stream din para sa mga hindi na lalabas nang kani kanilang mga bahay at upang mas maging ligtas at malayo sa nakakahawang sakit .

Tiwala din si Father Bravo na hindi matigas ang ulo ng mga mananampalataya at aware na ang mga ito sa banta ng covid19 kayat wala pa itong nakikitang aberya sa pagsapit ng simbang gabi at umaasa ito na hindi magsisiksikan ang mga tao sa simbahan.

Para sa mga katoliko ang simbang gabi ay regalo sa panginoon at ang paghahanda o pagaasam asam sa darating na pasko.

Kahit new normal umano ang magiging paggunita ng mga mananampalataya sa simbang gabi ay mas makikita lamang ang paglakas ng kanilang pananampalataya dahil kahit may pandemya ay itutuloy parin ang tradisyong ito. //Adrianne Suarez