Kumbinsido ang tanggapan ng Department of Health o DOH Region 1 na tuluyan ng bumalik ang tiwala ng publiko kung pag-uusapan ang pagpapa bakuna.

Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng DOH-CHD-1, kung pagbabasehan ang resulta ng isinagawang vaccination program noong nakaraang buwan lamang, nagkaroon ng mahigit 95% turn-out ang naturang aktibidad sa buong rehiyon.

Giit ni Bobis, bago pa man ipalabas ang mga ginagamit na bakuna, sinisiguro ng kanilang tanggapan maging ng Food and Drug Administration o FDA na ito ay epektibo at ligtas gamitin ng mga pasyente.

--Ads--

Kung titignan sa ngayon, maganda ang naging kinalabasan ng isinasagawa nilang Measles, Rubella and Polio Vaccine, ngunit ibang usapan aniya kung bakuna laban sa Covid-19 na ang pag uusapan dahil ito’y bagong bakuna kayat ang ginagawa ng kanilang tanggapan, ay patuloy na pinapaigting ang kamalayan ng publiko.

Sa ngayon, dahil wala pang aprubadong bakuna ang FDA laban sa Covid-19, pinagtutuunan ng pansin ng DOH ay ang pagpapakalat ng impormasyon ukol sa vaccine trial na ginagawa. //Bombo Lyme Perez

Voice of Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng DOH-CHD-1