Ipagpapatuloy ang paghihigpit ng mga kapulisan ng Police Regional Office 1 pagdating sa mga polisiya na iniimplementa upang matugunan ang problema sa covid19 pandemic lalo na ngayong holiday season.

Ayon kay PBGen. Rodolfo Azurin Jr. Regional Director ng PRO1 kung irerelax umano ang mga pulisiyang ito ay tataas pa lalo ang covid 19 cases sa kanilang nasasakupan kayat patuloy ang paghihigpit ng mga kapulisan para sa kaligtasan ng bawat miyembro ng komunidad.

Aniya, hanggat hindi pa nasisiguro na ligtas ang bakuna sa covid19 para sa lahat ng mamamayan ay hinihikayat nila ang mga residente na kung hindi importante ang kanilang pupuntahan ay manatili na lamang sa kanilang mga bahay upang hindi mahawa o makahawa sa ibang tao at hindi tumaas ang kaso ng covid19 ngayong holiday season.

--Ads--
PBGen. Rodolfo Azurin Jr.

Dagdag pa dito ipagpapatuloy din ang police visibility lalo na sa crime prone areas upang mapababa ang krimen sa panahong ito.