White rabbit on green grass.

Inihayag ni Engr. Rosendo So, presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na mahihirapan ang mga local producers na ipang ipalit ang kuneho sa karne ng baboy.

Ayon kay So, malayo pa ang hahabulin dahil nagpaparami pa sa ngayon ang mga local producers.

Sa katunayan ay indemand ngayon ang kuneho at dahil nag uumpisa pa lang ang mga local producers, masyadong mahal nito.

--Ads--

Halimbawa nito ang 1 month old na kuneho ay binibili ng iba sa halagang P1,000 para gawing inahin.

Kumpara rin sa baboy, kapag kinatay ang isang kuneho ay may timbang lang na isang kilo hindi tulad sa baboy na kapag kinatay ay aabot ng 80 kilo.

Isa ang karne ng rabbit o kuneho sa mga nakikita ng gobyerno na maaaring maging alternatibo sa karne ng baboy sa gitna ng patuloy na pagkalat ng African swine fever (ASF).

Mas mabilis at madali raw palakihin ang mga kuneho.

Engr. Rosendo So

Samantala, nananatili pa ring mataas ang presyo ng karne ng baboy.

Bukod sa mataas ang presyo ay kapos ang stock o supply ng baboy sa Luzon.