DAGUPAN CITY – Nagpapatuloy ang pagdinig sa mga reklamong kinakaharap ng ilang mga barangay officials dito sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) na ayuda sa gitna ng kinakaharap nating pandemiya dahil sa COVID-19.

Ito ang nabatid mula kay Department of Interior and Local Government (DILG) Pangasinan Cluster Head Rogelio Quitola, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, kasunod narin ng paglabas ng ulat mula sa DILG national head office na nasa higit 300 barangay officials ang kinasuhan ng ahensya dahil sa irregularidad sa distribusyon ng SAP partikular na ang unang tranched nito sa buong bansa.


Aniya, kamakailan lamang ay mayroon silang sinuspinde na mga punong barangay mula sa bayan ng Rosales, Sta. Barbara at Binmaley dahil sa naturang usapin habang dinidinig ang reklamo laban sa kanila.

--Ads--
Bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay DILG Pangasinan Cluster Head Rogelio Quitola


Paliwanag pa ni Quitola, preventive suspension lamang ang isinilbi noong buwan ng Oktubre bagamat posibleng maharap sa dalawang kaso ang mga ito habang dinidinig ang mga reklamo sa DILG national head office na siyang humahawak sa mga administrative case habang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-iimbestiga sa posibleng criminal case na kakaharapin ng mga ito.


Subalit, kung ang mga ito ay mapapawalang sala sa reklamo, maaari na muli silang bumalik sa tungkulin sa buwan ng Abril. (With reports from Bombo Mariane Krisha Esmeralda)