Patay ang isang 54 taong gulang na lalake matapos maaksidenteng masakal ito nang lubid na noong una’y biruan lamang sa Brgy San Vicente, sa bayan ng Alcala, Pangasinan.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan sa Alcala PNP, inakala ng mga nakasaksi sa pangyayari na nagbibiro lamang ang biktima na isinabit ang kanyang leeg sa lubid na kanyang itinali sa isang puno sa kanilang lugar.

Ang naturang lalake ay kinikilalang si Samsun Pinto y Belarmino, 54 y/o, isang magsasaka at residente ng naturang lugar.

--Ads--

Ayon sa mga saksi, nagkatuwaan lamang ang biktima kasama ang ilang mga bata na kapitbahay niya sa kanilang compound habang kinukunan siya ng video.

Noong unang tangka umano, ay nagkakatuwaan pa ang mga ito sa kanilang ginagawa ngunit sa pangatlong subok nito, ay aksidente nitong nahigpitan ang lubid na isinabit nito sa kanyang leeg at hindi niya ito natanggal kaagad.

Pag-aakala ng mga bata na kumukuha ng video na kasama lamang umano ito sa acting ng biktima ngunit hindi na nya maiabot ung paa nya sa lupa pagkatapos na bumaluktot ang paa ng biktima dahil may pilay umano ito.

Sa punto umanong iyon ay tuluyan nang nasakal ang biktima at dahil na rin umano sa nerbuys ng menor ded edad ay hindi na sila agad nakahingi saklolo.
Dinala pa naman umano ito sa pagmutan ngunit idineklara ding Dead on Arrival.

Ayon sa imbestigador, namatay na rin daw ang kanyang asawa at naiwan nito ang kanyang dalawang supling.