Matagumpay na naisagawa ang operasyon ng Calasiao PNP sa lalawigan ng Pangasinan kontra sa mga indibidwal na gumagamit ng ilegal o modified pipe sa kanilang nasasakupan.
Nabatid mula kay P/Lt.Col. Ferdinand de Asis, COP ng nabanggit na himpilan bunsod na din sa reklamo ng mga magulang na naipaparating sa kanila dulot ng ingay ng mga tambutso ng mga motorsiklo kayat sinikap ng kanilang hanay sa pamamagitan ng isang operasyon na mahuli ang mga sangkot na indibidwal.
Hanggang kahapon ng umaga ay nakahuli sila ng mga violators at ang mga nakumpiskang tambutso ay agad na din nilang sinira upang hindi na mapakinabangan pa.
Kung maaalala ayon sa nabanggit na opisyal, alinsunod sa kanilang Municipal Ordinance No. 7, series of 2013, mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang lugar ang paggamit ng modified pipe o maiingay na tambutso.
Siyam na 9 na indibidwal ang naidagdag sa kanilang listahan kung saan ang mga ito ay na issuehan kaagad ng ticket.
Naglalaro sa 500 pesos ang 1st offense, 1K pesos para sa 2nd offense at sa 3rd offense ay 1500 pesos o di naman kaya’y katumbas ng 10 araw na pagkaka kulong depende pa sa kagustuhan ng korte.
Nasa hustong gulang na kadalasan ang kanilang mga nahuhuli at mayroon ding mangilan-ngilan na mga kabataan.
Ayon kay De Asis, napapanahon na para maipaalam sa publiko na hindi pang porma ang mga ganitong gamit lalo na kung ito’y nakapag dudulot na ng aberya sa publiko.
Nagsimula ang ganitong operasyon sa kanilang bayan noon pang buwan ng Enero at sa katunayan pa aniya, buwan-buwan sila ay nakakahuli ng mga violators.
Katuwang ang mga POSO enforcers maging ang mga brgy. Officials, mas napapaigting ang kanilang Oplan Sita maging ang checkpoint operation upang masawata ang kahit na anumang ilegal na aktibidad sa kanilang lugar.