DAGUPAN, CITY— Aminado ang AutoPro Pangasinan na over-charging ang malimit na reklamo ng mga mananakay laban sa ilang mga driver ng mga pampasaherong jeep ngayon.

Ayon kay AutoPro Pangasinan President Bernard Tuliao, marami siyang naririnig at natatangap na reklamo ukol sa mga driver na sobra kung maningil at sa katunayan ay personal din niya itong naranasan.

Kwento nito, minsan ay sumakay siya sa jeep at siningil ng kinse pesos kahit na siyam na piso lamang sana ang kanyang pamasahe.

--Ads--

Kaugnay naman nito, sinabi ni Tuliao na bilang tugon ay kinakausap nila ang mga operators upang mapagsabihan ang kanilang mga drivers na iwasan ang sobrang paniningil dahil sa oras na maiparating ito sa LTFRB ay maaari itong maging dahilan ng pagkansela ng kanilang prangkisa.

Tinig ni AutoPro Pangasinan President Bernard Tuliao

Paliwanag niya na sa kasalukuyan, siyam na piso ang umiiral na minimum fare para sa unang apat na kilometro at may karagdagan nang dalawang piso sa bawat kilometrong madadagdag dito.