Sobrang saya at hindi inaasahan na maging top 5 ang isang Pangasinense sa katatatapos na physician licensure examination.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Chino Paolo Samson mula sa Lyceum Northwestern University, kahit makapasa man lang sa eksamin ang hangad nya kaya siya ay tuwang tuwa na mapabilang sa top 5 na may average na 88.08.

Kwento pa niya na nagkaroon siya ng part time job habang nag aaral. May mga panahon na exam kinabukasan pero nagtuturo sya sa kanyang partime.

--Ads--

Pero hindi siya sumuko at hindi napanghinaan ng loob.

Dagdag pa nito na medyo nahirapan din umano siya sa board exam dahil walang face to face review.

Online ang kanilang review at kailangan ang sobrang effort para mabasa at matapos ang mga materyal na kailangang aralin.

Dr. Chino Paolo Samson

Kaugnay nito ay pinasalamatan ang kanyang mga magulang, mentors at mga doktor na nakasama sa traning.

Nagpaabot naman ng panawagan si Samson sa ibang mga mag aaral na magtiwala sa panginoon, huwag panghinaan ng loob at huwag sumuko.