DAGUPAN, CITY— Naitala ng PAGASA Dagupan City ang 45°C na Heat Index ngayong araw sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa ulat ng PDRRMO Pangasinan, naramdaman ang mainit na panahon bandang alas dos ng hapon.

Babala ng naturang tanggapan na nasa Danger Category ang naitalaga heat index sa lungsod.

--Ads--
Photo credits: PDRRMO Pangasinan FB Page

Dagdag pa ng naturang ahensiya na mapanganib ang dulot ng 41-54°C na heat index dahil mataas umano ang tsansang magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion.

Posible itong mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang physical activity.

Kaya naman payo ng naturang tanggapan na ugaliing uminom ng tubig para maiwasan ang dehydration at ibang sakit.

Tinatayang nasa 33.6°C naman ang naitalang maximum temperature at 68% Humidity ngayong araw.