DAGUPAN, CITY— Nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan ang halos 250 kataong inilikas ng city government sa iba’t ibang evacuation centers ng lungsod ng Dagupan matapos manalasa ang Bagyong Ulysses.

Sa ulat ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kay Mayor Marc Brian Lim, umabot sa 247 katao ang inilikas mula sa mga barangay ng Mamalingling (47), Bonuan Binloc (130), Bonuan Gueset (15), Lasip Chico (10), Malued (30), Carael (28), at Calmay (25).

Pitumpu’t dalawa sa mga inilikas sa Bonuan Binloc ay mga kliyente at kawani ng Department of Social Welfare and Development facilities sa lugar.

--Ads--

Dagdag pa rito, lahat ng mga evacuees ay kaagad binigyan ng city government ng food packs at iba pang pangangailangan habang nasa evacuation centers.