DAGUPAN, CITY— Nag-iwan ng ilang pinsala sa lungsod ng Dagupan ang Bagyong Ulysses na nanalasa sa ilan pang bahagi ng Luzon noong nakaraang araw.
Ayon kay CSWDO chief Leila Natividad, pitong bahay sa Barangay Bonuan Gueset ang partially-damaged dahil sa bugso ng hangin na dulot ng bagyo.
Maliban sa malakas na hangin na naging dahilan ng pagkatumba ng ilang puno at paglipad ng ilang tarpaulin signs sa lungsod, ang bagyong Ulysses ay nagdulot din ng storm surge na nag-iwan ng mga buhangin sa kahabaan ng baywalk sa Tondaligan Beach.
Agad namang kumilos ang City Engineer’s Office at iba pang mga tanggapan ng city government upang matanggal ang mga buhangin at mga natumbang punongkahoy.
Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-uganayan ng City government sa pag-aayos sa mga napinsan ng nanbanggit na sama ng panahon.