Inilikas ang daan daang mga residente ng coastal areas sa limang bayan at isang lungsod dito sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa pangamba o banta ng storm surge sa kasagsagan ng pagtama ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Shallom Balolong ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa dalawang daang individual ang inilikas sa bayan ng Sual, 30 sa bayan ng San Fabian, 64 naman sa bayan ng Bolinao town, at ilan pang residente mula sa bayan ng Bani at Lingayen.

Nakaranas muli ng pagbaha sa mga mababang lugar sa bayan ng Lingayen at lungsod ng Dagupan na dala ng ulan at high tide.

--Ads--

Samantala, iniulat ni Balolong na wala namang nasawi o nasugatan dito sa probinsya.

Bagamat nakaalis na ang bagyo nagpapaalala pa rin ang mga otoridad na mag ingat pa rin dahil mayroon pa rin tayong nararanasang mga pag ulan.