Patuloy ang bangayan sa pagitan ni presumptive President Joe Biden Donald Trump at US president elect Joe Biden.
Ayon kay Bombo International correspondent Kelly Kellogs Dayag mula sa California, USA, lahat ng mga legal maneuvers ay ginagawa ng kampo ni Trump at kinukuwestyun ang resulta ng popular votes sa mga estado ng Georgia, Pensylvania, Nevada, Arizona at Wisconsin.
Ang katatapos na election ay tinawag na unconventional election dahil maraming grupo na umusbong ang nakilahok sa eleksyon kasama na ang mga taong hndi naman talaga aktibo sa pulitika noon.
Ayon pa kay Kelly, ang kaganapan ngayon sa Amerika ay nangyari na rin noon sa panahon ni dating US pres. George Bush Jr. at ni Al Gore.
Kuwento ni Kelly, kinuwestyun ni Bush ang resulta ng popular votes sa Florida noon at naghain ng reklamo sa supreme court na kalaunan siya ang deneklarang panalo.
Pero malugod namang tinanggap ni Al Gore ang pagkatalo.
Ang kaibahan nga lang kay Trump, hindi pa rin nito tinatanggap magpahanggang ngayon ang kanyang pagkatalo.