Duguan at tadtad ng saksak nang matagpuan ang 25 anyos na misis sa kanilang bahay sa Brgy Zone 6 sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Ayon kay PLt.Col. Norman Florentino, hepe ng Bayambang PNP, suspek sa pagpatay sa biktima na si Geneva De Guzman, ay ang kaniya mismong asawa na si Ronmel De Guzman, 32 anyos, kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, dumating umano ang suspek na lasing sa kanilang bahay at nahuli nito na may kachat ang kaniyang asawa. Nauna rito, naaktuhan na rin umano noon ng suspek ang kaniyang misis at naulit nanaman.

--Ads--

Sa naging panayam naman ng kapulisan sa suspek, napag-alaman na selos ang naging dahilan ng pagpatay ng nito sa kaniyang asawa.

Nagtamo ng ilang saksak sa dibdib at likurang bahagi ng katawan ang biktima na sanhi ng kaniyang kamatayan na idineklarang DOA ng isinugod sa ospital.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang kutsilyo na ginamit ng suspek sa pananaksak.

Agad namang naaresto ng kapulisan ang suspek sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng naturang barangay.

PLt.Col. Norman Florentino- COP Bayambang

Payo naman ng hepe na kapag mayroong hindi pagkakaintindihan ang mag-asawa ay dapat pinag-uusapan para hindi na humantong pa sa naturang insidente dahil kawawa ang kanilang maiiwang pamilya.

Samantala, nasampahan na ng kasong Parricide ang nadakip na suspek.