Nagkaroon ng payapang protesta ang dalawang grupo ng tagasuporta ni US President Donald Trump at ni democrat bet Joe Biden sa estado ng Alaska ngayong malapit na ang US Election sa Nobyembre 3.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Jesse Vizcocho mula sa Alaska, USA kanyang sinabi na patuloy ang pagbigay ng suporta ng mga mamamayan sa kanilang napiling partido.

Aniya, bagaman may ilang mga naginf iringan at nagbigay ng masamang gestures, ay sa kabutihang palad ay hindi naman umano ito nagdulot ng kaguluhan at pisikalan.

--Ads--

Dahil mainit pa rin ang tunggalian sa pagitan ng dalawang kandidato, ay masidhi pa rin ang pagkumbinsi ng mga nabanggit na kandidato sa mga botane upang sila ay mahalal sa pwesto.

Bombo International Correspondent Jesse Vizcocho

Ayon din kay Vizcocho, may ilan ding pinoy ang lumahok sa naturang rally na sumusuporta naman kay Trump.