Bumisita na rin si Turkish Vice President Fuat Oktay sa niyanig na bahagi ng Aegean region sa Turkey.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Weng Timoteo, isang Community Health Nurse at siya ring Vice President ng Filipino Community sa naturang bansa, siniguro rin nito ang pagbibigay paalala at suporta ng Embahada ng Pilipinas sa Ankara City, pati na rin ang mga konsolado sa lungsod ng Istanbul, Izmir at Mersin.

Sa 62 nasawi at higit-lumulang 900 na mga nasugatan ng 6.9 na lindol ay wala aniyang Pilipinong apektado.

--Ads--

Patuloy rin ang search and rescue operations na isinasagawa ng Turkish government at bumisita na rin ang kanilang Minister of Health sa Izmir na siyang sentro ng naturang pagyanig.

Dagdag pa ni Timoteo, bukod sa mga gusaling gumuho sa kasagsagan ng lindol ay mayroon pang halos 30 pang gusali ang mayroong body damage na siyang kailangang gibain para sa proteksiyon at kaligtasan ng mga mamayan sa Izmir City.

Ani Timoteo, bagaman hindi ito ang pinaka malakas na pagyanig na kanilang naranasan simula noong lindol ng 1999 na pumalo sa 7.6 magnitude ay sila pa rin any lubos na nagpapasalamat sa kanilang kaligtasan.

Samantala, hindi naman nakaligtas ang ilang Pilipino sa COVID-19 sa Istanbul.

Aniya, habang ang iba ay dinala sa mga pagamutan, ang iba naman ay nakikipag-ugnayan na lamang sa mga kagaya niyang community nurse para sa kanilang paggaling.