Personal na tinutukan ng provincial government sa pangunguna ni Pangasinan governor Amado I. Espino III ang naging kilos ng bagyong “Rolly” hanggang sa ideklara ng PAG-ASA na tuluyan nang ibinaba ang storm signal sa lalawigan .
Bagamat nakaalis na ang bagyo ayon sa PAG -ASA ay makakaranas pa rin ang probinsya ng mga pahinto hintong ulan kaya minabuti ng pamahalaan na paghandaan pa rin ang anumang klaseng epekto ng sama ng panahon..
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Spokesperson Avenix Arenas, kahit na bumaba o lumihis ang bagyo, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ng PDRRMO.
Katuwang ng PDRRMO na umantabay ang mga personnel mula sa mga line agencies, kasama ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection (BFP).
Nagsagawa din ng preemptive evacuation ang PDRRMO Pangasinan, dahil sa bagyong Rolly.
Ayon kay Ronn Dale Castillo, Research and Planning Analyst ng PDRRMO Pangasinan, dahil maaga ng nakatanggap ng abiso ang kanilang opisina hinggil sa posibleng maging track o daanan ng bagyo, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation partkular na sa lungsod ng Alaminos at bayan ng Calasiao.
Bukod aniya dito ay mahgpit din nilang tinutukan ang mga lugar na malapit sa mga malalaking ilog sa probinsya katulad nalamang ng Agno River, Bued-Cayanga river at Sinucalan river, bagamat mabuti nalamang aniya at hindi naramdaman ang labis na hagupit ng bagyong Rolly kumpara sa naranasan sa Bicol region.