Handa na umanong i-re-elect ng mga mamayan sa Estado ng Nebraska sa Amerika si US President Donald Trump sa darating na halalan.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Yvonie Caser Hale mula sa Norfolk, Nebraska, marami aniya ang mga taga suporta ni Trump doon.

Ito ay dahil marami umano ang naniniwalang magaling na Pangulo si Trump at talaga aniyang umusbong ang ekonomiya ng Amerika sa ilalim ng kaniyang pamumuno gayundin ang pagtaas o pagdami ng employment rate roon.

--Ads--

Dagdag pa ni Hale na dahil pro-republican ang naturang estado, sigurado aniya ang panalo ni Trump sa Nebraska.

Bombo International Correspondent Yvonie Caser Hale